• Romblon Sun

BOMB AWARENESS SEMINAR ISINAGAWA SA ODIONGAN


ODIONGAN, Romblon Ang Odiongan Municipal Police Station katuwang ang Odiongan LGU, Romblon Provincial Mobile Force Company at Romblon Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit ay nagsagawa ng Bomb Awareness Seminar noong Oktubre 29, 2020 sa Odiongan Covered Court, Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon.

Tinalakay sa naturang seminar ang iba’t-ibang Explosive, Improvised Explosive Device, Bomb Threat Awareness and Management, Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) and EO 70, Series of 2018, NTF-ELCAC.

Panauhing pandangal at Tagapagsalita sa nasabing programa si Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic kung saan sa kanyang mensahe ay binigyan diin ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan na matutunan ng mga kalahok mula sa mga lecturers.  

 

Bago sinimulan ang buod ng naturang seminar ay binati at tinanggap ni PLT Albert Jure M. Fernandez, Jr., Deputy Chief of Police ang 65 na kalahok na kinabibilangan ng Barangay Captains, BPOC at BPATS Chairman.

Sumunod na nagbigay mensahe si PCPT Ernil B. Delos Santos, Chief, PECU Romblon na tinalakay sa pangalawang bahagi ng programa ang Explosives. Ang IED Trends sa Pilipinas at Pandaigdigan ay tinalakay naman ni PCpl Lavern Bobb B Pioquinto at si PSMS Jerome V De Villa Jr. ang nagpaliwanag naman ng paksa tungkol sa Bomb Threat Awareness.


Sina PSSg Rodelito P Selda at PMSg Ana Marie L Soledad ay nagbigay rin ng mga pananaw tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at EO 70, Series ng 2018, NTF-ELCAC.

Natapos ang naturang seminar sa isang Fireball Demonstration na sinaksihan ng lahat at napulutan nila ng kaalaman at mga aral na kanilang magagamit sa takdang panahon. (Contributed article)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.