• Tony Miñano Macalisang

Cargo truck na puno ng semento tumagilid sa bayan ng San Andres


SAN ANDRES, Romblon - Isang cargo truck na mag kargang mga semento ang tumagilid sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon kanina hapon, Hunyo 16, 2020.


Napag-alaman na ang naturang truck na pagmamay-ari ni Harold Firmalo ay puno ng mga bags ng semento at papunta sa bayan ng San Agustin.


Ayon sa driver ng sasakyan habang papaliko umano siya sa kurbadang bahagi ng kalsada paglampas ng tulay malapit sa Barangay Hall ng Brgy. Matutuna, San Andres, Romblon ay napansin nitong unti-unti tumatagilid ang minamanehong truck hanggang sa tuluyan na itong natumba sa gitna ng kalsada.


"Naramdaman kong unti-unting tumatagilid ang truck kaya't nagmenor ako, pero nadisgrasya pa rin," ayon sa driver.


Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing aksidente.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.