• Tony Miñano Macalisang

CEBU PACIFIC TIGIL BIYAHE MUNA SA TABLAS


MANILA – Ipinaalam ng pamunuan ng Cebu Pacific Air na pansamantala munang ititigil ng kompanya ang pagbiyahe ng kanilang eroplano papuntang Tablas Island sa probinsya ng Romblon.


Ayon sa kanilang advisory, simula sa Hulyo 19 hanggang sa Oktubre 24 ay wala nang flight patungong Tugdan Airport, Alcantara, Romblon.


Ang huling araw na biyahe ng Cebu Pacific Air ay sa Hulyo 12 (Sunday) at Hulyo 15 (Wednesday) na lamang.


Ipinapaabot rin ng kompanya na upang makapag-book sa mga flights ay bisitahin lamang ang kanilang website na https://cebupacificair.com.


Pinapasiguro rin ng kompanya na kailangan na kumpleto ang inyong mga travel documents bago mag-book ng inyong flight para maiwasan ang anumang abala at problema. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.