Congressman Madrona kasama sa bomoto na ibasura ang pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN


QUEZON CITY - Isa si Congressman Eleandro Madrona, ng Lone District of Romblon, na bumoto para ibasura ang pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN Corp. sa ginanap na botohan kahapon sa Kongreso.

Sa boto na 70 – 11, pinatay ng mga pumabor sa rekomendasyon ng Technical Working Group (TWG) sa House Committee on Legislative Franchise ang pag-asa ng ABS CBN Corp na makapagpatuloy ng operasyon sa ilalim ng bagong prangkisa pagkatapos na balaan ni Pangulong Duterte na hindi makapagrenew ng bagong prangkisa ang nasabing higanteng broadcast media ilang buwan ang nakalipas dahil umano sa reklamo na hindi ito naging patas noong nakaraang 2016 presidential election.

Ang House Committee on Legislative Franchise ay kinabibilangan ng 46 na miyembro ng franchise committee at 39 na ex-officio members.


Kailangan lamang na 43 na congressman na papabor sa binuong resolution ng TWG para matanggihan ang aplikasyon ng bagong prangkisa ng ABS CBN.


Dahil sa pangyayari ay marami ang nababahala sa lumalalang pagkastigo umano sa press freedom ng kasalukuyang administrasyon.


Ayon naman kay Buhay Party-List Representative Lito Atienza, on the House Franchise Committee’s denial of ABS CBN’s franchise application, “All those who voted blindly, kayo ay sumuko sa pressure. Kaawa-awa po kayo at darating po ang panahon ng paglilitis na hindi po ninyo masasagot ‘yung tanong ng bayan: bakit kayo pumayag na siraan ang media nang ganong klaseng paraan? Sa isang mistrial na wala pong napatunayan pero guilty pa rin?”


Dahil sa pinagkaitan ng mga mambabatas na makapagrenew ng kanilang bagong prangkisa ang pinakamalaking media network sa bansa ay nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 11,000 na empleyado ng ABS CBN group of Companies sa panahon ngayon ng epedemya sa COVID-19. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.