Walang permit na chainsaw, huli sa joint operation sa pangunguna ng CIDG-ROMBLON



ODIONGAN, Romblon - Tiklo sa isinagawang OPLAN OLEA (joint operation) ng CIDG Romblon (lead unit), Romblon Provincial Mobile Force Compnay, at Odiongan Municipal Police Station ang chainsaw operator at kasamahan noong 10: 48 ng umaga ng Sabado, Mayo 30, 20202 sa Sitio Bahay, Barangay Amatong, Odiongan, Romblon.


Kinilala ang chainsaw operator na si Menard O Ferater at ang kanyang kasama na si Daniel F. Tejolan, helper, at pawang taga Brgy. Amatong, Odiongan, Romblon. Nakumpiska sa mga suspek ang isang unit ng chainsaw at 12 pirasong paper tree lumber (assorted sizes). Maliban sa walang permit ang chainsaw, ay wala ring maipakitang permit mula sa DENR para sa pagpuputol ng kahoy.


Kasong paglabag sa PD 705 as amended by RA 7161 “Illegal Logging” and RA 9175 “Anti-Chainsaw Act of 2020” ang kinakaharap ngayon ng dalawang suspek na kung saan sila ay pansamantalang nasa kustodiya ng Odiongan MPS.


Ang Odiongan MPS sa ilalim ng pamumuno ni PCPT MANUEL F FERNANDEZ JR, Chief of Police ay nagpapaalala sa mga mamamayan na alamin ang mga papeles na kailangan bago mag-operate ng chainsaw at magputol ng punong kahoy. Sumangguni sa DENR office para macomply ang mga kailangang requirements upang hindi managot sa batas.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.