• Romblon Sun

Dahil sa away sa text, lalaki sa Alcantara kinarit sa ulo


ALCANTARA, Romblon – Isang lalaki ang kinarit ng kanyang kagalit dakong 10:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 27, 2020 sa Barangay Poblacion, Romblon, Romblon.


ALCANTARA, Romblon – Isang lalaki ang kinarit ng kanyang kagalit dakong 10:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 27, 2020 sa Barangay Poblacion, Romblon, Romblon.


Kinilala ang biktima na si Joel Briones Calvo, 41 taong gulang, binata, empleyado bilang casual ng munisipyo ng Alcantara, habang ang itinuturong suspek ay nakilala na si Mark Roy Galicia Daet, 29 taong gulang, may-asawa, empleyado ng DOLE at parehong residente ng Barangay San Roque, Alcantara, Romblon.


Sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS) habang may kausap umano ang biktima na si Calvo sa may waiting shed sa parking area ng mga tricycle ng ALTODA ay dumating ang suspek na si Daet na hindi namalayan ng biktima na nakatalikod at bigla na lang nitong tinaga ang biktima gamit ang isang karit. Kahit may tama ay nagawa pang tumakbo ni Calvo (biktima) pero hinabol ito ni Daet (suspek), at habang hinahabol ng suspek ang biktima ay nadapa ito, nagkataon naman na sa oras na iyon ay namimigay ng flyers sa nasabing lugar si PCpl. Anjo M. Mesana at agad na inaresto ang suspek.


Ipinaalam naman sa suspek ang kanyang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas at dinala ito sa Alcantara Rural Health Center para sa medical examination habang ang biktima ay isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc para malapataan ng kaukulang lunas.


Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima at ang suspek ay nagkainitan at humangtong na sa pag-away ang palitan ng kanilang mensahe sa text sa cellphone. Narekober ng awtoridad sa suspek ang isang karit na may haba na 22 pulgada mula sa dulo hanggang hawakan.


Dinala ang suspek at ang ginamit na karit sa himpilan ng Alcantara MPS para sa kaukulang disposisyon.


Kasong Frustrated Murder ang inihahanda ng Alcantara MPS na isampa sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa nasabing suspek. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.