• Tony Miñano Macalisang

Dahil sa kasong Attempted Murder, magsasaka hinuli ng pulisya


SAN ANDRES, Romblon – Dinakip ng pulisya sa kanyang sariling pamamahay ang isang lalaking magsasaka dakong 1:00 ng hapon, kahapon, Oktubre 13, 2020 sa Sitio Hablon, Barangay Tanagan, San Andres, Romblon.


Kinilala ang suspek na si Ryan Santiago Gan, 37 taong gulang, may-asawa, magsasaka at nakatira sa Sitio Hablon, San Andres, Romblon.


Si Gan ay inaresto ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS) katuwang ang mga operatiba ng Romblon Provincial Mobile Force Company, CIDG at PIU Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsang Oktubre 12, 2020 sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3028 at may rekomendang piyansa na halagang One Hundred Twenty Thousand Pesos (P120,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Andres MPS ang suspek at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.