• Tony Miñano Macalisang

DAHIL SA KASONG RAPE, LALAKI SA SAN JOSE, ROMBLON ARESTADO


SAN JOSE, Romblon – Hinuli ng kapulisan ang isang lalaking wanted sa kasong rape kahapon ng 3:30 ng hapon, Oktubre 30, 2020 sa Sitio Inihawan, Barangay Lanas, San Jose, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Paul San Sebastian Miguel, 25 taong gulang, binata, walang trabaho, at nakatira sa Sitio Inihawan, Barangay Lanas, San Jose, Romblon.


Ang suspek ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU, Romblon PMCF at San Jose Municipal Police Station (SJMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape in relation to 7610 na inisyu ni Honorable Edwin B. Buffe, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC), Branch 82, Odiongan, Romblon, na nakatala sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3032 at walang rekomendang piyansa ang korte.


Ang naturang dinakip na suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng CIDG Romblon PFU, Odiongan, Romblon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.