• Tony Miñano Macalisang

Dalawang lalaki timbog sa ilegal na pasabong sa bayan ng Alcantara, Romblon


ALCANTARA, Romblon – Nasakote ng kapulisan ang dalawang lalaki na sangkot sa ilegal na pasabong kaninang 3:20 ng hapon, Oktubre 18, 2020 sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon.


Ang mga nahuli ay nakilala na sina Mark Vincent Patnungon Cajilig, 27 taong gulang, binata, estudyante at nakatira sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon, at Darwin Fortunato Catigmot, 40 taong gulang, binata, fish vendor, at residente ng Barangay Bonlao, Alcantara, Romblon.


Ayon sa Alcantara Municipal Police Station (AMPS) nakatanggap umano ng tawag ang nasabing estasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa nagaganap na ilegal na sabong sa nasabing lugar. Dahil sa nasabing sumbong ay agad na kumilos ang mga tauhan ng Alcantara MPS at pinuntahan ang lugar kung saan ay nasakote ang dalawang suspek na nasa aktong tumataya sa naturang ilegal na pasabong.


Nakumpiska ng mga tauhan ng Alcantara MPS ang dalawang buhay na pansabong na manok, dalawang tari, at ibat-ibang denominasyon na pera na nagkahahalaga ng P300.00.


Ang dalawang suspek at ang nakumpiskang mga manok ay dinala sa Alcantara MPS para sa kaukulang disposisyon.


Kasong paglabag sa PD 449 in violation to PD 1602 ang inihahandang isampa ng Alcantara MPS sa Prosecutor’s Office laban sa mga suspek. (Tony Miῆano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.