DISIPLINA MUNA ADVOCACY CAMPAIGN ISINAGAWA NG OMPS


ODIONGAN, Romblon Ang Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Manuel F. Fernandez, Jr., Chief of Police, sa pakikipagtulungan ng Romblon Provincial Mobile Force Company at MLGOO-Odiongan, ay nagsagawa ng, “Re-launching at Cascading ng ‘Disiplina Muna Advocacy Campaign’” program na ginanap sa Opisina ng Seniors Citizen Affairs sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon nitong 2:00 ng hapon ng Hulyo 13, 2020.

Kabilang sa dumalo ay si Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic, na kung saan ay hiniling nito ang suporta ng mga dumalo, na ang "Disiplina" ay dapat magsimula sa loob ng kanilang mga tahanan.


Kasama rin sa nagbigay ng mensahe ay Si PCpt Sandy F. Falcutila, Asst. Force Commander ng Romblon Provincial Mobile Force Company na kumatawan kay PLTCOL Julius Y. Bernados.



Tinalakay naman ni MLGOO Syrna Flor B. Erpilua ang konsepto ng Disiplina Muna National Advocacy Campaign na nakasaad sa Memorandum Circular No. 2019-181 ng Department of the Interior and Local Government sa dumalo na mga Barangay Captains ng bayan ng Odiongan, mga tauhan ng RPMFC; mga kinatawan mula sa Highway Patrol Group, SOCO, EOD / K9 Unit, Philippine Coastguard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Municipal President ng KKDAT- Odiongan, Pangulo ng SK Federation ng Munisipyo ng Odiongan, Religious Sector, mga empleyado ng Opisina ng Turismo at kinatawan ng media na, UNTV at Romblon Sun.

Bago nagsimula ang programa ay isang panalangin ang iginawad na pinangunahan ni Pastor Manny F Fabro ng Odiongan Baptist Gospel Light Church.


Malugod namang tinanggap at pinasalamatan ni PCPT Fernandez Jr., ang lahat na dumalo sa nasabing programa na aniya, ang “Disiplina Muna” ay higit na isabuhay ng lahat sa panahong ito ng pandemya.


Natapos ang programa sa panunumpa at paglagda ng Disiplina Muna Pledge na pinangunahan ng MLGOO Erpilua. – (AMSoledad)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.