• Tony Miñano Macalisang

Driver ng Tricycle at motorsiklo na nagbanggaan sa San Fernando, Romblon parehong nasawi



SAN FERNANDO, Romblon– Hindi na umabot ng hospital ang dalawang drayber na may dala ng tricycle at motorsiklo matapos na aksidenteng magbanggaan sa Barangay Pangcalan, San Fernando, Romblon nitong Hunyo 13, 2020.

Kinilala ni PCPT Kim M. Badillo, Acting Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) ang mga biktima na si Paul R. Perez ang driver ng tricycle at si Sulpicio R. Repil, Jr., ang nagmamaneho ng single na motorsiklo.


Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng San Fernando MPS, binabaybay umano ng tricycle na minamaneho ni Perez ang kahabaan ng daan papuntang Barangay Campalingo, San Fernando habang ang single na motorsiklo na minamaneho naman ni Repil ay papuntang Poblacion nang biglang nagbanggaan ang dalawang sasakyan sa bandang Barangay Azagra, San Fernando, Romblon.


Ayon sa nakasaksi matulin umano ang takbo ng motorsiklo habang ang tricycle naman ay pa zigzag-zigzag sa daan at kung saan sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbangaan ang mga ito na naging dahilan ng pagkasawi ng dalawang driver na tumilapon sa kanilang sasakyan.


Agad namang nagresponde ang kapulisan ng San Fernando MPS sa lugar ng aksidente ngunit dinala na ng mga nakasaksi ang mga biktima sa Sibuyan District Hospital (SDH) upang malapatan ng agarang lunas.


Samantala, idineklarang dead on arrival (DOA) ng attending Physician na si Dra. Villanueva ang dalawang biktima. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.