• Tony Miñano Macalisang

Estudyante na tumawid sa kalsada nabundol ng motorsiklo sa Barangay Hinugusan, San Agustin, Romblon


SAN AGUSTIN, Romblon – Isang Grade 7 na mag-aaral ang aksidenteng nabangga ng motorsiklo dakong 9:10 ng umaga ng Oktubre 8, 2020 sa Barangay, Hinugusan, San Agustin, Romblon.


Nakilala ang biktima na si Iran Jay Manzo, 12 taong gulang, Grade 7 pupil, at nakatira sa Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon habang ang itinuturong nakasagasa sa biktima ay kinilala na si Jefrey Alabay Monterde, 25 taong gulang, walang driver’s license, may kinakasama, panadero, at residente ng Barangay Poblacion, Santa Maria, Romblon.


Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), sa nasabing petsa, oras at lugar, binabaybay ni Monterde na sakay ng isang kulay asul na motorsiklong Bajah Kawasaki CT 100B ang kahabaan ng national road sa Barangay Hinugusan, San Agustin, Romblon mula sa Poblacion ng San Agustin patungo sa bayan ng Santa Maria, Romblon na kung saan pagdating sa nasabing lugar ay aksidente nitong nabundol ang tumatawid na estudyante na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na agad namang dinala sa Tablas Island District Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.


Ang nasabing insidente ay inimbestigahan ng San Agustin MPS at ang sangkot na motorsiklo ay dinala sa kanilang himpilan para sa kaukulang disposisyon. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.