• Tony Miñano Macalisang

Feeding Program isinagawa sa Kapulisan sa Magdiwang


Magdiwang, Romblon – Nagsagawa ng feeding program ang mga kapulisan ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) sa pangunguna ni PCPT Chisi Fruelda Faderagao, Acting, COP katuwang ang Barangay Officials sa pamumuno ni Barangay Captain Joven Rodeo para sa mga kabataan ng Brgy. Dulangan, Magdiwang, Romblon noong Hulyo 28, 2020.


Ang nasabing programa ay kaugnay sa paggunita sa 25th Police Community Relations Month na may temang: “Pinaigting na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa Covid-19 Pandemya”.


Layunin ng programang ito ang maipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong para sa mga lubos na naapektuhan ng epidemyang COVID19.

Ang mga naipamahaging tulong ay mula sa pinagsamang kontribusyon ng mga kapulisan ng Magdiwang MPS kung saan ay kanilang ipinakita ang malasakit sa kapwa gayundin ang pagsasabuhay ng “Bayanihan”.


Maliban sa pagbibigay ng nasabing tulong, ay namahagi din ang grupo ng mga facemask, kasama ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng dayalogo at pag-abot ng babasahin (IEC Materials) ukol sa pag-iwas at pagsupil sa pagkalat ng sakit na COVID-19. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.