• Tony Miñano Macalisang

HEALTH SCREENING IPAPATUPAD SA MGA PAPASOK NG BAYAN NG ODIONGAN


ODIONGAN, Romblon - Pinapabatid ng Local Government Unit (LGU) ng Odiongan na simula ngayong araw ng Linggo, Marso 28, 2021 ay magsasagawa ng health screening sa lahat na taong papasok mula sa bahaging Timog ng Odiongan dahil sa pagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Looc.


Pinapayuhan rin ng kinaukulan ang mga residente na manatili sa kanilang bahay lalo na ang may edad na siyam (9) na taong gulang at yung lampas sa 60 taong gulang, kasama na yung may “immunodeficiency, comorbidities” at iba pang may karamdaman, mga babaeng buntis, at maliban lamang kung kukuha o bibili ng mga pangunahing kailangan sa pamamahay, mga nagtatrabaho, at mga may kinalaman sa serbisyo.


Pinapaalalahanan rin ang lahat na establisemento at opisina sa bayan ng Odiongan na estriktong ipatupad ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng logbook or sa StaySafe PH application, laging magsuot ng face shield at facemask, ang pagkuha ng temperatura, pagkaroon ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at huwag kalimutan na sundin ang mga ipinapatupad na minimum health standards protocols.


Ayon pa sa LGU Odiongan, dahil sa banta na pagkakahawa ng coronavirus ay ipagbabawal rin ang pagkaroon ng mga pagtitipon at iba pang mga aktibidad hanggang o ipagpaliban ang mga nakaeskedyul na hanggang sa matapos umano ang isinasagawang contact tracing.


Inaasahan na sumunod at makiisa ang lahat na mga mamamayan ng Odiongan para na rin sa kabutihan at kaligtasan ng bawat isa. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.