Iba't-ibang paraan ng mga Pinoy sa "ANGKAS"


Pag ganito ang dala mong partition barrier tuwing aangkas sa iyong mister makakalusot pa ba ang coronavirus?


Pero ingat lang baka sa tulin ng patakbo ni mister ay liliparin ka at magmistulan kang nakasakay na sa flying saucer.



Ito naman si Mrs; naharangan nga ang covid pero misis, ang bahay ninyo delikado. Tinangay mo kasi ang pinto ninyo hindi lamang covid ang malayang nakapasok pati mga akyat bahay naroon na lahat. naku, disgrasya yan!



Pasado na kaya kay Sec. Año ang ganitong pangharang sa covid? Si Mrs pala ang nagmamaneho, okey lang ba?



Tiyak makakalusot na ito sa quarantine control point. Kumpleto tayo, face mask, helmet at may matibay na protective barrier. Bibili lang kasi ng asin at vetsin dyan sa kanto, naubusan eh.



Sa hirap ng buhay ngayon na kailangan pang magpagawa pa tayo ng protective barrier at matatagalan pa, eh, kung hihiramin muna ang folding table ni lola.



Proteksyon sa covid-19. Diskarteng Pinoy. Pwede na ba itong nakatago lang sa bodega, na wala nang gamit na plansahan ng damit? P



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.