• Tony Miñano Macalisang

IKA-LIMANG KASO NG NAGPOSITIBO SA COVID-19 SA SAN ANDRES, ROMBLON, NAITALA


SAN ANDRES, Romblon – Sa ipinalabas na anunsyo ng San Andres RHU, San Andres, Romblon ay kanilang kinumpirma ang ikalimang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa naturang bayan nitong Linggo.


Ang nasabing pasyente ay dalawampu’t isang (21) taong gulang na ama at asawa ng pangtatlo at pang-apat na mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.


Ang pinakabagong nagpositibo na pasyente ay isa umano sa mga naging close contact

na sumailalim sa swab test noong Setyembre 7, 2020.


Ayon pa sa pahayag ng San Andres RHU ang tatlong huli na kumpirmadong kaso ay magkamag-anak na sabay dumating noong Agosto 26, 2020 sa bayan ng San Andres at mga asymptomatic.


“Silang mag-anak ay sabay na dumating dito sa bayan ng San Andres at nananatiling asymptomatic,” ayon sa San Andres RHU.


Ang nasabing mga pasyente ay kasalukuyang nasa Quarantine Facility ng bayan ng San Andres at mahigpit na sinusubaybayan ng mga tauhan ng San Andres RHU.


Paalaala ng San Andres LGU na sumunod sa mga pinapatupad na protocol ng DOH kagaya ng social distancing, laging magsuot ng face mask, palaging maghugas ng kamay, ipanatili ang kalinisan at palakasin ang immune system para malabanan ang kasalukuyang pandemya na nararanasan ng sambayanan.


Wala pang pahayag ang pamunuan kung isususpendi ang pagtanggap ng mga LSIs at maging ang magdedeklara ng lockdown kagaya ng mga ginawa ng ibang bayan. (Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.