• Tony Miñano Macalisang

Ina ng batang PUM na taga San Andres na positibo sa covid, nagpositibo rin


SAN ANDRES, Romblon – Ibinalita ng San Andres Romblon Public Information Office na nagpositibo ang ina ng batang PUM na naunang nagpositibo sa COVID-19 pagkatapos na lumabas ang resulta ng RT-PCR test nito ngayong araw, Agosto 8, 2020.


Ito ang ikalawang kaso ng COVID-19 na naitala sa bayan ng San Andres, Romblon.


Ayon sa San Andres Romblon PIO ang ina ng isang taon at siyam na buwan na batang PUM ay isa sa walo na naging close contact ng bata na isinailalim sa Swab Test noong Agosto 4, 2020 ay solong nagpositibo.

Ipinaalam ng San Andres PIO na ang mga PUM na nagpositibo sa COVID-19 ay nananatiling naka quarantine sa isolation facility sa nasabing bayan.


Nananawagan naman ang pamunuan ng San Andres LGU sa kanilang nasasakupan na iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman importante ang gagawin.


“Hinihingi po namin ang inyong pag-unawa, iwasan ang lumabas ng bahay kung walang importanteng gagawin at huwag magpanic bagkus manatiling kalmado,” ayon sa LGU San Andres.


Kanila ring ipinaalaala na magpalakas ng immune system at imentina ang social distancing, tamang paghugas ng kamay at huwag kalimutan ang laging pagsuot ng face mask na siyang pinakamabisang paraan upang malabanan ang kasalukuyang pandemya na nararanasan ng estado. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.