• Tony Miñano Macalisang

Indian National sa bayan ng Alcantara inatake sa puso sa loob ng CR, patay


ALCANTARA, Romblon – Isang Indian national ang inatake sa puso dakong 4:20 ng hapon ng Setyembre 7, 2020 sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.


Nakilala ang biktima na si Hardeep Singh, 28 taong gulang, binata, residente ng Punjab, India at pansamantalang nakatira sa Odiongan, Romblon.


Sa nakalap na ulat ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS) dumating umano sa Poblacion, Alcantara, Romblon ang nasabing Indian national noong 1:00 ng hapon ng Setyembre 6, 2020 upang bumisita sa kanyang kaibigan na si Kulwinder Kumar at nanatili doon ng isang araw.


Sinabi umano nito sa kanyang kaibigan na nahihirapan siyang huminga at masakit ang kanyang ulo.

Dakong 3:00 ng hapon ng Setyembre 7, 2020 ng matagpuan ang biktima na nakaupo sa loob ng kubeta ng nasabing bahay na iniupahan ng kanyang kaibigan na si Kulwinder Kumar.


Agad itong isinugod sa Alcantara Rural Health Unit ngunit nang ito ay isinuri ng tumingin na doktor ay nalaman na wala na itong pulso at dineklarang Dead on Arrival (DOA) ni Dr. Jobin Maestro ng RHU, na atake sa puso ang sanhi ng kanyang kamatayan.


Ang nasabing pangyayari ay agad na ipinagbigay –alam sa Alcantara MPS ni Barangay Kagawad Gil Solidum ng Poblacion, Alcantara, Romblon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.