• Romblon Sun

Isang Babae Na Kinasuhan Ng Paglabag Sa BP 22 Sa Looc, Romblon Inaresto Ng Pulisya


LOOC, Romblon – Dinakip ng mga operatiba ng Looc Municipal Police Station (LMPS) na pinamunuan ni PLT Elena M. Gebaña sa koordinasyon ng Baliwag Municipal Police Station na pinangunahan ni PLTCOL Jason F. San Pedro, COP ang isang babae na may mandamyento de aresto sa Barangay Camandag, Looc, Romblon, kahapon ng 11:20 ng umaga, Pebrero 23, 2021.


Kinilala ang hinuli na si Elienar Daguyin Dela Cruz, 28 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Barangay Camandag, Looc, Romblon.


Si Dela Cruz ay inaresto ng mga awtoridad, sa kanyang tahanan sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Mario Pocholo M. Telan, Presiding Judge ng Third Judicial Court, MTC of Baliwag, Province of Bulacan na may petsa na Nobyembre 17, 2020 dahil sa paglabag sa BP 22 sa ilalim ng Criminal Case No. 19-106 to 19-109 at may rekomendang piyansa ang Korte na halagang Forty Two Thousand Pesos (P42,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing dinakip na babae ay nasa kustodiya ng Looc MPS at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.