• Tony Miñano Macalisang

Isang Guro sa San Agustin, Romblon na may WOA sa kasong paglabag sa RA 9262, hinuli


SAN AGUSTIN, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang Elementary Head Teacher na may warrant of arrest kaninang tanghali, Enero 14, 2021 sa Barangay Buli, San Agustin, Romblon.


Kinilala ng mga awtoridad ang guro na si Joseph Gabayno Castillo, 51 taong gulang, Elementary School Head Teacher at residente ng Barangay Bachawan, San Agustin, Romblon.


Si Castillo ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), at PIU Romblon PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Regional Trial, Family Court, 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsang Enero 11, 2021 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) sa ilalim ng Criminal Case number 92-L-20 at may rekomendang piyansa na Seventy Two Thousand Pesos (P72,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong guro ay nasa ilalim ng kustodiya ng San Agustin MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.