• Tony Miñano Macalisang

Isang lalaki na may Warrant of Arrest sa Looc, Romblon, timbog sa kamay ng pulisya


LOOC, Romblon – Nasakote ng pulisya ang isang lalaki na wanted ng batas nitong 7:45 ng gabi ng Enero 26, 2021 sa Barangay Buenavista, Looc, Romblon.


Nakilala ang lalaki na si Khris Mangaya Gadaoni, 28 taong gulang, binata, walang trabaho at nakatira sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon.


Si Gadaoni ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Looc Municipal Police Station, San Agustin MPS at Romblon MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual ng Family Court Branch 19, Romblon, Romblon noong Disyembre 10, 2020 dahil sa kasong paglabag sa Sec 5 paragraph E (2) of RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-81-J-20 at may rekomendang piyansa na halagang Thirty Six Thousand Pesos (P36,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing wanted na lalaki ay nasa ilalim ng kustodiya ng Looc MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png