Kaayusan versus Kabuwisitan




Pinakamainam na pinapangarap ng tao ay katiwasayan; bagay na hanap lagi ng marami ay ang tumira sa lugar na maayos at malinis.


Kung bakit? Dahil ang dulot ng kaayusan at malinis na tirahan ay kaginhawaan. Isa pa, malayo ang tao sa sakit pag malinis ang kapaligiran at malayo sa karamdaman na dala ng insekto at bacteria. In short, dulot ng kaayusan sa buhay ng tao ay kaligayan.

Sabi nga ng isang manunulat, “There’s no substitute living in an orderly and clean environment”.


Ang dahilan kung bakit maraming mga dayuhan mula sa western countries ang pumupunta sa Pilipinas… pakay nila ay upang makahanap ng malinis at maayos na lugar na puwedeng tirahan.


Walang duda kung bakit dumarami ang mga banyaga na nag-aasawa ng Filipina maging dito sa lalawigang Romblon ay upang tumira sa lugar na malalanghap ang sariwang hangin, malinis na katubigan at mala-kristal na karagatan.


Matatandaan mahigit isang dekada nang ang nakalipas, isang grupo ng mag-asawa (limang couples na may doctor. Engineer at writers) ay nagtungo sa Barangay España, San Fernando, Romblon, mga galing Georgia, USA; Australia, California at Europa. Nakiusap na tumira ng isang linggo ang grupong mag-asawa sa mga bahay ng taga España, na ang tatlong couples ay nakitira naman sa mga kapitbahay namin. Hindi rin sila pabigat dahil nagsipagbigay sila ng one week budget sa tinitirahang pamilya para sa pagkain.

Nang tinanong ko ang isang couple kung bakit nakabisita sila at nakitira pa ang 2 mag-asawa sa mahihirap na pamilya sa Barangay namin, at ang simpleng tugon na sinabi ng lalaki na isang Piloto ay, aniya, “Our group wants to find a peaceful place to live. A place free from drugs, free from noise pollution. And the reason why we live together with the locals is to study the culture of the people in the locality.


Totoo nga, naobserbahan ko ang isang couple na may dalawang anak… kung ano ang kinakain ng tinitirahan nilang pamilya ay ganoon din ang pinapakain ng Kano sa dalawang anak.

Kabaliktaran ng Pinoy sa mga banyaga

Habang ang mga foreigners nais ay katiwasayan at syempre kalinisan, tayong mga Filipino ay burara. May basurahan na… ikalat pa ang basura sa kalsada o kundi man sa kanal at katubigan. Parang mas gusto ng Pinoy ang magulong kapaligiran dahil may mga batas para sa kaayusan at katahimikan, pero may mga pasaway na kalat ng kalat lalo na pagdating sa paggamit ng palikuran, kubeta o comfort rooms. May alam ako na dalawang public CR sa Romblon…

Pero ang matindi na nasaksihan ko ay isang lalaking sakay ng Starhorse na barko, na sa obserbasyon ko ay pinapanatili ng management ng sea vessel ang Quality Policy sa loob ng barko. Kaya malinis ang sahig lalo na ang CRs nito. Subalit nabigla ako na itong lalaking pasahero na nanigarilyo pa naman sa unahang bahagi ng barko ay biglang dumura sa malinis na sahig! Kabuwisitan! Lalapitan ko sana para pagsabihan, pero bago pa ako makalapit ay tumayo na ang lalaki tangan ang yosi.


Dito sa bayang Odiongan, sinisikap ng LGU na maging malinis ang komunidad. Pero makikita pa rin sa paligid ang kalat na basura na ang karamihan pa naman ay plastic. Kaya mistulan na ring plastic ang itsura ng mga nagkakalat at kahit ang kanal sa tapat ng kanilang bahay ay hindi magawang linisin.

Meron din diyan na kakain ng chitserya at pagkatapos kumain ay kung saan-saan lang ikakalat ang balot ng pinagkainan. Whew, grabeng kabuwisitan!

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.