Kapulisan ng Concepcion, aktibo sa pagtulong sa Concepcion National High School Annex Campus



CONCEPCION, ROMBLON - Aktibong nakiisa sa pagtulong ang mga kapulisan ng Concepcion Municipal Police Station (CMPS) sa mga guro at staff ng mataas na paaralan ng Concepcion noong umaga ng Hulyo 22, 2020.

Sa pangunguna ni PSSg Lemuel F Familaran, Asst. PCR PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PLT Harby M. Francisco, OIC, ay boluntaryong tumulong ang mga tauhan ng Concepcion MPS sa pagpipintura ng mga silid aralan ng Concepcion National High School Annex Campus, sa Barangay Bakhawan, Concepcion, Romblon.

Ang nasabing inisyatibona ginawa ng kapulisan ay bahagi ng selebrasyon ng 25th PCR Month na may temang: Pinaigting na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemya at bilang paghahanda din sa pagbubukas ng klase (Balik Eskwela).

Ayon kay PLT Harby Francisco ang pagtulong ng mga tauhan ng Concepcion MPS sa mamamayan ay wala umanong kapaguran at panghihinayang bagkus ito ay umaapaw sa katuwaan at taos sa puso ang higit nilang nararamdaman dahil ito ay kasama sa kanilang sinumpaang tungkulin, ang maglingkod ng tapat sa mamamayan na walang hinihintay na kapalit. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.