Kapulisan ng Ferrol MPS may Libreng Facemask at Feeding Program para sa mga Kabataan


FERROL, Romblon – Ang Ferrol Municipal Police. Station (FMPS) sa pangunguna ni PMAJ Winnerio D Paguia, JR, OIC, ay namigay ng Libreng Facemask at nagsagawa ng Feeding Program para sa mga kabataan ng Ferrol noong Hulyo 21 sa Barangay Claro M. Recto at nitong Hulyo 23, 2020 naman sa Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon.


Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang 25th PCR Month Celebration ngayong Hulyo na may temang, “Pinaigting na Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemya”.


Nagsimula ang inisyatibong ito sa gitna ng nararanasang pandemya ng ating bansa na kung saan ang mga bata ay hinihikayat na magsuot ng facemask upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa ng COVID-19 virus.


Patuloy itong ipinapatupad ng kapulisan ng Ferrol upang maipadama sa mga mamamamayan ang malasakit ng mga frontliners na kapulisan.


Naging masaya naman ang mga kabataan sa kanilang natanggap mula sa mga tauhan ng Ferrol MPS sapagkat maliban sa busog na ay nagkaroon pa sila ng sariling facemask.

Patuloy pong isasagawa ng kapulisan ang programang ito kabahagi ng #PNPGoodDeeds. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.