• Tony Miñano Macalisang

Karpentero na Wanted sa Sta. Maria (Romblon) Dinakma ng Pulisya


SANTA MARIA, Romblon – Isang lalaking karpentero na may warrant of arrest ang hinuli ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station (SMMPS) kahapon ng 11:30 ng umaga, Setyembre 10, 2020 sa Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon.


Ang inaresto ay kinilala na si Ramil Unarse Bastro, 48 taong gulang, may-asawa, karpentero at residente ng Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon.


Ang nasabing suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Family Court, 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsang Agosto 25, 2020 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-VAWC sa ilalim ng Criminal Case Number FC-65-H-20 at may rekomendang piyansa na halagang dalawang libong piso (P2,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa ng mga tauhan ng Santa Maria MPS sa pamumuno ni PLT Kim Oliver N. Marquez.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria MPS at isailalim sa dokumentasyon bago iharap sa nakakasakop ng korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.