KKDAT ODIONGAN: IGNITING THE SPIRITUAL RESILIENCE AND ENFLAMING THE HOPE IN THE MIDST OF PANDEMIC



Odiongan, RomblonAng Odiongan Municipal Police Station, Police Community Relations Section sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan (SK-Odiongan) at Kabataan Kontra Droga sa Terorismo (KKDAT-Odiongan) ay opisyal na sinimulan ang 25th Police Community Relations Month Celebration sa pamamagitan ng isang napapanahon na gawain na pinamagatang -  KKDAT-Odiongan: Igniting the Spiritual Resilience and Enflaming the Hope in the Midst of Pandemic na ginanap sa covered court ng Barangay Bangon, Odiongan, Romblon, Hulyo 1, 2020 mula 5:30 PM hanggang 8:00 PM.


Ang aktibidad na ito ay na-konsepto bilang tugon sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya, kung saan halos lahat ng sektor ng komunidad ay apektado at nakakaranas ng lungkot, pagkabahala at takot lalo na ang kabataan.


Sa tulong ng Evangelical Ministry, inanyayahan si Rev. Pastor Dindo M Oliva ng Baito Foursquare Church na siyang maging spiritual speaker ng nasabing programa. Sa kanyang mensahe binigyang diin niya na ang ating buhay ay nababatay sa 4Ps (Problem, Perseverance, Partnership and Passion). Itinuro niya sa mga dumalo ang mga problema na kasukuyan nating kinakaharap dala ng COVID 10 ay maging kanilang gabay upang magtiyaga, pahalagahan ang pakikipagtulungan at maglingkod nang buong puso para sa ikalulugod ng Panginoon. Hindi mahalaga kung ano ang katayuan natin sa pamayanan, sa pagtatapos ng araw ay hahatulan tayo batay sa mabubuting gawa.


Dumalo rin sina Hon. Limwel M Salvador, Barangay Kapitan at ang kanyang mga kasama sa konseho kung saan ay malungod niyang tinanggap ang mga kalahok (SK Chairmen at KKDAT President, KKDAT Municipal Officers, Pastors).


Sa ngalan ng PCPT MANUEL F FERNANDEZ JR, Chief of Police, si PSMS Chesyl F Garcia, Chief, PCR Section ay nagbigay ng mensahe na kung saan ay lubos na nasiyahan sa pinapakitang kooperasyon ng mga kabataan para sa KKDAT program.


Ang pagpuri at pagsamba, pagmuni-muni at pansariling pagtatasa ay bahagi din ng programa na pinangunahan ng Municipal KKDAT President, Pastor Wenadel Joy F Atilano. Ang apat napu 40) na mga kalahok ay hinati sa limang pangkat at may mga itinalaga na mga Pastor para sa kanilang personal na mga panalangin na sina: Pastor Mae Ann Gan mula sa Boliganay Foursquare Gospel Church; Pastor Sherenyl Mulingtapang mula sa Oriental Mindoro; Sister Joenalyn Atilano mula sa Bangon Foursquare Gospel Church; Pastor Dindo Oliva ng Baito Foursquare Gospel Church at Pastor Winy F Atilano mula sa Bajay Foursquare Gospel Church. (amlsoledad/contributor)






Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.