• Tony Miñano Macalisang

LABI NI SP MAULION DADALHIN SA BATANGAS NGAYONG ARAW


ODIONGAN, Romblon – Nakatakdang ibiyahe ngayong araw Hulyo 3, sa Batangas ang labi ng pinaslang na Provincial Board Member ng Romblon.


Daldalhin ng pamilya ni Sangguniang Panlalawigan member Robert Maulion ang kanyang labi sa Batangas City kung saan ito ihahatid sa kanyang huling himlayan.


Matatandaan na si District 2 Provincial Board member Maulion ay natagpuang walang buhay sa kanyang unit sa ika-apat na palapag ng kanyang gusali sa Barangay Tabing-dagat, Odiongan, Romblon na tadtad ng tama ng saksak sa katawan.


Hindi pa nahuhuli ang suspek na may kagagawan sa nasabing krimen hanggang sa kasalukuyan.


Ayon sa pulisya mayroon na silang person of interest na sinusubaybayan kaugnay sa nasabing kaso. Hindi pa muna nila ibubunyag ang pangalan ng suspek habang wala pa ito sa kanilang kustodiya.


May alok rin na P20,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa sinuman na makapagtuturo sa salarin.


Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naulilang pamilya ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Jose “Otik” Riano, Congressman Budoy Madrona at ang Lokal na Pamahalaan ng Odiongan sa pamumuno ni Mayor Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Diven Dimaala kasama ang Sangguniang Bayan member at mga kawani ng munispyo ng Odiongan. (Tony Miñano Macalisang /Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.