• Tony Miñano Macalisang

Lalaki Na May Kasong Murder Sa San Jose, Romblon Timbog


SAN JOSE, Romblon – Arestado ang isang lalaki na may kasong murder nitong 10:55 ng umaga, Oktubre 30, 2020 sa Sitio Nausa, Barangay Busay, San Jose, Romblon.


Ang suspek na nakilalang si Jomedes Mariano y Velasco, 33 taong gulang, may-asawa , laborer at residente ng Barangay Busay, San Jose, Romblon ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng CIDG Romblon PFU, Romblon Provincial Mobile Force company at ng San Jose Municial Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Edwin B. Buffe, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon na nakatala sa ilalim ng Criminal Case Number OD-3031 at walang rekomendang piyansa.


Ang naturang inarestong suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng CIDG Romblon PFU, Odiongan, Romblon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.