• Tony Miñano Macalisang

Lalaki na may warrant of arrest sa San Agustin timbog sa kapulisan


SAN AGUSTIN, Romblon – Inaresto ng pulisya ang isang lalaki na may mandamyento de aresto kahapon ng 11:30 ng umaga, Setyembre 17, 2020 sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon.


Kinilala ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS) ang hinuli na si Willie F. Gregorio, 43 taong gulang, may-asawa, construction worker at residente ng Sitio San Roque, Barangay Lusong, San Agustin, Romblon.


Si Gregorio ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng San Agustin MPS, CIDG-Romblon at PIU-Romblon PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ma. Paz A. Besonaya, Acting Presiding Judge ng 6th Municipal Circuit Trial Court, San Agustin-Sta. Maria, Romblon noong Agosto 17, 2020 sa kasong Serious Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. SA-8212 at may rekomendang piyansa na halagang Sampung Libong Piso (P10,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Agustin MPS ang nahuling wanted person at ihaharap ito sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.