• Tony Miñano Macalisang

Lalaki sa Alcantara timbog sa buy-bust


ALCANTARA, Romblon – Isang lalaki ang dinakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kontra illegal na droga sa Barangay San Roque, Alcantara, Romblon kaninang 9:30 ng umaga, Hulyo 25, 2020.


Kinilala ang suspek na si Jealuzpe M. David, 40 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Barangay San Roque, Alcantara, Romblon.


Sa ulat, napag-alaman na ang mga kapulisan ng Alcantara Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Jedi M. Galicha, OIC, katuwang ang mga tauhan ng PDEA-Romblon at mga personnel ng PDEU/RPPO Romblon sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 4B ay nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay kung saan ito ay naging positibo at naging daan sa pagkaaresto ng lalaking suspek.


Ipinaalam naman ng mga arresting officer sa suspek ang kanyang naging kasalanan at ang kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas.


Sa harap ng mga opisyal ng Barangay San Roque, representante ng DOJ at media ay nakuha sa suspek ang isang piraso ng sealed plastic sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu, 4 na piraso ng aluminum foil, isang thumb tacks box at isang halagang P500 na pera.


Nasa kostudiya ngayon ng Alcantara MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Tony Miñano Macalisang/Romblon SUN Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.