• Tony Miñano Macalisang

Lalaki sa kabesira ng Romblon timbog sa buy-bust


ROMBLON, Romblon – Inaresto ang isang lalaki sa bayan ng Romblon matapos magbenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang undercover agent nitong hapon ng Nobyembre 24, 2020 na nangyari sa Sitio Centro, Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.


Ang suspek ay nakilala na si Shaorin Mangao Atanoc, High Value Individual, (HVI), 20 taong gulang, may kinakasama, helper, at nakatira sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.


Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa umano ng joint-operation laban sa ilegal na droga ang pinagsamang mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station/MDEU na nanguna sa nasabing operasyon, PDEA Rombon, CIT, RID, RPDEU, RSG at PDEU ng Romblon PPO, kung saan ay ikinasa ang buy-bust operation at nakabili ang isang poseur buyer ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana kapalit ang isang piraso na genuine na P500.00 at tatlong pekeng pera na tig P500.00.


Pagkatapos na maganap ang transaksyon ay inaresto ang suspek.


Isinagawa ng kapulisan ang pag imbentaryo at pagdokumento sa pinangyarihang lugar sa harap ng mga Barangay opisyal at representante mula sa Department of Justice (DOJ) sa mga narekober na ibedensya na nakuha sa suspek.


Ang narekober na ilegal na droga ay ipapadala sa Crime Laboratory sa bayan ng Odiongan para sa kaukulang pagsusuri.


Ang suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon MPS para sa imbestigasyon habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban sa suspek sa Prosecutor’s Office. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.