• Tony Miñano Macalisang

Lalaki sa Kabesira timbog sa marijuana


ROMBLON, Romblon – Di na nakapalag ang isang lalaki na inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan kahapon ng 9:50 ng gabi, Setyembre 23, 2020 sa Sitio Casayugan, Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.


Kinilala ang dinakip na suspek na si Sonny Fajutina Macatol aka “Bart”, 34 taong gulang, binata, walang trabaho at nakatira sa Barangay IV-Poblacion, Romblon, Romblon.


Ayon sa pulisya, isang joint operation ang ikinasa ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) MDEU sa pamumuno ni PCPT Gemie M. Mallen, ACOP at PDEA Romblon Provincial Office na pinangunahan ni IA Ed Bryan D. Echavaria kung saan isang undercover agent ang nagawang makabili ng dalawang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana sa suspek. Pagkatapos na maisagawa ang transakyon ay sumenyas ang undercover agent sa kanyang mga kasamahan na agad namang kumilos at hinuli ang suspek.


Pagkatapos na madakma ng pulisya ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ay ipinaalam dito ang kanyang naging kasalanan at karapatan sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas bago isagawa ang body search sa harapan at mga testigo na nagmula sa DOJ sa katauhan ni Ms. Sabrina W. Malacapo at ang kinatawan ng Barangay Bagacay na si Brgy Kagawad Hon. Amelia Meciano.


Nakuha pa sa posisyon ng suspek ang tunay na pera na halagang Five hundred Pesos, ang “boodle money” na ginamit sa transaksyon, isang kulay na puting plastic na may laman na pinaghihinalaan na pinatuyong dahon ng marijuana, lighter at iba pa.


Ang nakumpiskang mga ibedensya sa suspek ay dadalhin sa Romblon Crime Laboratory Office sa bayan ng Odiongan para sa kaukulang pagsusuri.


Ang nahuling suspek ay nasa kustodiya ng Romblon MPS at masasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec II ng RA 9165 sa Provincial Prosecutors Office. (Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.