• Tony Miñano Macalisang

Lalaki sa Magdiwang, Romblon inaresto sa paglabag sa NIPAS Act


MAGDIWANG, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki sa Barangay Tampayan, Magdiwang , Romblon nitong hapon ng Nobyembre 23, 2020 dahil sa paglabag sa RA 7586 (NIPAS ACT).


Kinilala ang suspek na si Richard Regala Relox, 31 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon.


Si Relox ay hinuli ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Cirile Maduro Foja ng MCTC Magdiwang-Cajidiocan-San Fernando, Cajidiocan, Romblon noong Disyembre 31, 2014 sa ilalim ng Criminal Case No.5345 dahil sa paglabag sa Section 20 (a) at (g) ng Republic Act 7586 (NIPAS Act) at may rekomendang piyansa na halagang P12,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang inarestong suspek sa Magdiwang MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakakasakop na korte. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.