• Tony Miñano Macalisang

Lalaki sa may dalawang kaso ng Rape sa Calatrava, Romblon inaresto ng pulisya


CALATRAVA, Romblon – Dinakip ng kapulisan ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong nakaraang araw sa Barangay Poblacion, Calatrava, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Julius Paz Falcunit, 40, walang asawa, laborer at residente ng naturang lugar.


Ang suspek ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Calatrava Municipal Police Station (CMPS) Romblon PPO - PIU at CIDG - Romblon PFU sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon nitong Marso 23, 2021 sa kasong 2 counts of RAPE sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3069 at OD-3070.


Walang rekomendang piyansa ang korte sa suspek na dinala sa Calatrava MPS para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ihaharap sa nakasasakop na korte. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.