• Tony Miñano Macalisang

LALAKI SA SAN AGUSTIN, ROMBLON TIKLO SA BUY-BUST SA ILEGAL NA DROGA



SAN AGUSTIN, Romblon – Hulog sa bitag ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon kaninang 9:30 ng umaga, Agosto 1, 2020.


Kinlala ang suspek na si Aldren Moreno Soriano, 31 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng San Andres, Romblon.


Ayon sa ulat, ang mga tauhan ng PDEA-Romblon, PDEU Romblon PPO, at San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), ay nagsagawa ng pinagsanib na buy-bust operation na kung saan ay nabilhan umano ang suspek ng isang sachet na may laman na pinaghihinalaang shabu ng isang undercover agent na nagpanggap na buyer, at sa pag-abutan ng pera at epektos ay agad kumilos ang kapulisan at hinuli ang suspek.


Pagkatapos na mabasahan ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas ang suspek ay dinala sa San Agustin MPS para sa kaukulang disposition.


Nahaharap ang nasabing suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na siyang inihahandang isasampa sa korte laban sa kanya. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.