Lalaki tiklo sa buy-bust operation sa Odiongan


ODIONGAN, RomblonArestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation na ikinasa dakong 11:05 ng umaga ng Agosto 23, 2020 sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.


Kinilala ng kapulisan ng suspek na na si Jaypee Fetalino Abrazado, 34 taong gulang, binata, laborer, bagong drug personality at residente ng Barangay Budiong, Odiongan, Romblon


Ang suspek ay nasakote ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Drug Enforcement Unit at Odiongan Municipal Police Station kung saan ay ikinasa ang buy-bust operation at nakabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa suspek sa halagang limang daang piso (P500.00).


Nakumpiska rin sa posisyon ng nasabing suspek ang dalawa pang sachet.

May bigat na .06 grams ang mga nakuha sa suspek na pinaghihinalaang iligal na droga na may DDB value na P2,000.00.


Ikinaila naman ng suspek na kanya ang nasabing droga.


Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.- (Romblon Sun Staff)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.