• Tony Miñano Macalisang

Lalaki timbog sa buy-bust operation sa illegal na droga


FERROL, Romblon – Di na nakapalag ang isang lalaking suspek nang ito ay arestuhin sa isinagawang anti-illegal drugs ‘buy-bust’ operation nitong umaga ng Sabado, Hunyo 27, 2020 sa Sitio Bunucot, Barangay Bunsuran, Ferrol, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rex Fallaria, 62 taong gulang, may-asawa, nakatira sa Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.


Sa imbestigasyon, isang joint-operation ang kinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Romblon, Romblon Provincial Office (PPO) / PDEU at Ferrol Municipal Police Station kung saan ay nabintahan umano ng suspek ang isang undercover agent ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.


Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek sa nasabing pangyayari.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng kapulisan. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.