• Tony Miñano Macalisang

Lalaki timbog sa illegal drug operation sa Fort San Andres, Romblon, Romblon


ROMBLON, Romblon – Huli sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya ang isang lalaki nitong umaga ng Enero 19, 2021 sa Sitio Centro, (Fort San Andres), Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.


Kinilala ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) ang suspek na si Angelito Fabito Perez, aka “Litoy”, 34 taong gulang may kinakasama, walang trabaho at nakatira sa Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isang pinagsanib na illegal drug operation (buy– bust) ang ikinasa ng mga tauhan ng Romblon MPS, kasama ang mga tauhan ng PDEA, Romblon Provincial Office, Romblon PDEU/PIU, CIT, Regional Intelligence Division PRO MIMAROPA, RPDEU/RSCG at Romblon Maritime Police Station, kung saan isang tauhan ng pulisya na nagpanggap na poseur buyer ang bumili sa suspek ng isang “heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, na matapos na maiabot ang ginamit na my marka na isang libong piso na perang papel ay isinagawa ang pag-aresto sa nasabing suspek.


Isinagawa sa harap nina Hon. Diana G. Malay (Barangay Kagawad ng Brgy. Capaclan, Romblon) at Ms Sabrina W. Malacapi (NPS Representative) ang body search sa suspek at narekober dito ang tatlong piraso na “heat sealed transparent plastic sachet” na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang kahang posporo, isang piraso na perang papel na halagang isang libong piso (P1,000.00) na ginamit sa buy-bust, isang cellphone n Samsung at isang motorsiklo na Euro sport R125.


Ang narekober na illegal drug sa suspek ay may bigat na MOL 0.1 at tinatayang nagkahahalaga ng Limang libong piso (P5,000.00), dadalhin sa Romblon Crime Laboratory Office sa bayan ng Odiongan para sa kaukulang eksaminasyon.


Samantala, napag-alaman ng Romblon MPS na ang suspek ay dati nang nahuli sa paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Republic Act 9165 sa ilalim ng Criminal Case No. 3743. Napatunayan rin ang suspek na guilty beyond reasonable doubt sa kanyang boluntaryong pag-amin sa kasong “Possession of equipment, instrument, apparatus at iba pang paraphernalia ng “Dangerous Drugs under Sec. 12 of RA 9165” sa ilalim ng Criminal Case No. 3743.


Nasa kustodiya ngayon ng Romblon MPS ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 na inihahanda na isampa sa korte ng nasabing MPS. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.