• Tony Miñano Macalisang

Lalaking kumukuha ng buhangin sa tabing-dagat sa Corcuera, Romblon, huli sa akto


CORCUERA, Romblon – Huli sa akto sa pagkuha at paghahakot ng buhangin nitong Martes ang isang lalaki sa tabing dagat ng Barangay Alegria, Corcuera, Romblon na isang paglabag sa pinapatupad na Municipal Ordinance ng nasabing bayan.


Kinilala ang lumabag na residente ng nasabing Barangay ng Corcuera na si Lito Fajiculay, 35, may-asawa.


Ayon sa ulat ng Corcuera Municipal Police Station (CMPS) nakatanggap umano sila ng tawag mula kay Barangay Chairman Ruben Magbata ng Barangay Alegaria, Corcuera, Romblon tungkol sa nasabing residente ng barangay na ilegal na kumukuha ng buhangin sa tabi ng dagat. Agad naman nagpadala ng mga tauhan ang Corcuera MPS sa pangunguna ni PMS Julius Falejo at kanilang aktuwal na nasaksihan ang nasabing lalaki na kumukuha ng buhangin sa pinagbabawal na lugar na nakasaad sa ordinansa ng LGU ng Corcuera.


Nakuha sa poder ng hinuling lalaki ang tinatayang kalahating metro kubiko na buhangin.


Ang nakumpiskang ibedensya ay isinailalim ng kustodiya ng Corcuera MPS.


Pinakawalan naman ang lalaki matapos na makapagbayad ng kaukulang multa na halagang isang libong piso (P1,000.00) sa Municipal Treasurer’s Office ng Corcuera. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.