• Tony Miñano Macalisang

Lalaking lasing na nagwawala inaresto ng pulisya, matapos na mabugbog ng mga istambay


ODIONGAN, Romblon – Nahaharap sa maraming kaso ang isang nakainom na lalaking nagwawala at nanghahamon ng suntukan kahapon ng alas 7:30 ng gabi sa Sitio Bulwang, Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.


Kinilala ni PCPT. Manuel Fernandez, Jr., Hepe ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na si Joseph Ramilo y Famorcan, 40 taong gulang, may kinakasama, walang trabaho at nakatira sa Purok San Francisco, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.


Sa imbestigasyon ng Odiongan MPS, ang nasabing suspek na nasa ilalim umano ng espiritu ng alak ay nagwawala at sumisigaw ng malakas na may kasamang pagmumura. Hinahamon din nito ang sinuman ng suntukan. Sinaway naman ang mga lalaking istambay ang nasabing lalaki ngunit hindi rin sumunod hanggang sa kalaunan ay pinagtulungan umanong gulpihin ng mga tagaroon ang nasabing suspek.


Noong ikatiwala ng mga Barangay Opisyal ang nasabing suspek sa mga nagresponding tauhan ng Odiongan MPS ay patuloy pa rin ito sa kanyang pagsisigaw, pagmumura, panlalaban, sa pamamagitan ng panunulak, at paninipa sa mga alagad ng batas.


Ang nasabing suspek na nasa kustodiya ng Odiongan MPS ay nahaharap sa kasong Alarms and Scandal at Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority at Direct Assault na siyang inihahandang kaso na isasampa sa korte ng Odiongan MPS laban sa suspek. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.