• Tony Miñano Macalisang

Lalaking May Kaso Na 3 Counts Of Sexual Assault Timbog sa Kapulisan sa Cajidiocan, Romblon


CAJIDIOCAN, Romblon – Arestado ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong Marso 19, 2021 sa Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan, Romblon.


Kinilala ang dinakip na suspek na si Martin Regala Romano, 27, binata, laborer at nakatira sa Sitio Haguimit, Barangay Lumbang Weste, Cajidiocan, Romblon.


Ang nasabing lalaki ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Cajidiocan Municipal Police Station at ng Romblon PDO-PIU sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge ng Family Court Branch 19, Romblon, Romblon nitong Marso 17, 2021 dahil sa kasong paglabag sa Revised Penal Code (RPC) Article 266-A Sexual Assault (3 counts) sa ilalim ng Criminal Case Numbers FC-115-C-21, FC-116-C-21, at FC-117-C-21, at may rekomendang piyansa na halagang P200,000.00 sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing lalaki ay dinala sa Cajidiocan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.