• Tony Miñano Macalisang

Lalaking may kasong Attempted Homicide timbog sa kapulisan ng San Agustin MPS


SAN AGUSTIN, Romblon – Arestado ang isang lalaking may warrant of arrest kahapon ng alas 11:17 ng umaga, Setyembre 24, 2020 sa Sitio Nabujos, Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang hinuli na si Jerex Gasang, 22 taong gulang, binata, laborer at residente ng Sitio Nabujos, Barangay Dubduban, San Agustin, Romblon.


Si Gasang ay dinakip ng pinagsanib na operasyon na isinagawa ng PIU-Romblon PPO at San Agustin Municipal Police Station (SAMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ma. Paz A. Besonaya, Acting Presiding Judge, of 6th Municipal Circuit Trial Court, San Agustin – Santa Maria, Romblon noong Agosto 17, 2020 dahil sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. SA-8211 at may rekomendang piyansa na halagang P36,000.00.


Ang inarestong lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Agustin MPS para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.