• Tony Miñano Macalisang

LALAKING MAY KASONG RAPE, NASAKOTE NG PULISYA SA SAN ANDRES, KALABOSO


SAN ANDRES, Romblon – Diretso sa karsel ang isang lalaki matapos na arestuhin ng kapulisan sa kanyang tahanan kahapon ng 4:00 ng hapon, Oktubre 13, 2020 sa Barangay Linawan, San Andres, Romblon.


Ang suspek na kinilalang si Marvin Sagun, 19 taong gulang, binata, walang trabaho, isang out of school youth na nakatira sa Barangay Linawan, San Andres, Romblon ay hinuli ng pinagsanib na tauhan ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS), Romblon Provincial Mobile Force Company (PMEC), CIDG Romblon at PIU Romblon sa bisa ng Warrant of Arrest ng inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC), Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon noong Oktubre 12, 2020 sa kasong Statutory Rape na nakapaloob sa Criminal Case No. OD-3029.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Andres MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony M. Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.