• Tony Miñano Macalisang

Lalaking may Kasong Sexual Abuse sa Looc (Romblon) Nahuli sa Bulacan


LOOC, Romblon – Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang lalaking pinaghahanap ng batas sa bayan ng Looc dakong 7:30 ng umaga ng Agosto 27, 2020 sa Barangay Minuyan, San Jose Del Monte, Bulacan.


Ang suspek na si Alex Gusi Lalaguna, 39 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Agojo, Looc, Romblon ay inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Looc Municipal Police Station (LMPS) bilang nangungunang unit at San Jose Del Monte, Bulacan CPS.


Hinuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsang Hulyo 23, 2020 sa kasong Crime of Sexual Abuse sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3013 at may rekomendang piyansa na nagkahahalaga ng Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Jose Del Monte Bulacan CPS at ito ay ihaharap sa nakasasakop ng korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.