• Tony Miñano Macalisang

Lalaking may Warrant of Arrest sa Malay, Aklan, nahuli sa San Jose, Romblon


SAN JOSE, Romblon – Arestado ng kapulisan ang isang lalaki na may Warrant of Arrest mula sa korte nitong 2:00 ng hapon ng Enero 25, 2021 sa Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.


Kinilala ang suspek na si Renante Tana Caninete, 39 taong gulang, binata at residente ng Sitio Lindero, Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.


Si Caninete ay dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station (SJMPS), Malay Municipal Police Station, CIDG at Aklan Maritime Police sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Cleo Marie C. Santillan ng 6th MCTC Buruangga, Malay, Aklan na may petsang Oktubre 30, 2019 dahil sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 2028-M at may rekomendang piyansa ang korte na halagang Thirty Six Thousand Pesos (P36,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng Malay MPS, Aklan PPO para sa kaukulang dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop ng korte. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.