Lalaking may warrant of arrest sa Kabesira, arestado


ROMBLON, Romblon – Isang lalaki ang hinuli ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon noong umaga ng Hulyo 22, 2020.

Ang suspek ay kinilalang si Rafael Mortel Menorca, 66 taong gulang, may-asawa, at residente ng Barangay Guimpingan, Romblon, Romblon.

Ang nasabing lalaki ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Donna B. Pascual, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Romblon, Romblon noong Hulyo 21, 2020 bilang paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law.

Ang naarestong suspek ay binasahan ng kanyang karapatan at dinala sa Romblon District Hospital (RDH) upang suriin ang kanyang pisikal na kalagayan.

Kasalukuyang nakakulong ang nasabing suspek sa Romblon MPS. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.