• Romblon Sun

Lalaking may Warrant of Arrest sa Santa Fe, Romblon dalawang ulit na inaresto


SANTA FE, Romblon – Muling hinuli ng mga awtoridad ang isang lalaki na nauna nang dinakip dahil sa tatlong kaso ng Estafa sa kanyang tirahan sa Sitio Capdang, Barangay Agmanic, Santa Fe, Romblon nitong umaga ng Biyernes, Pebrero 19,2021.


Kinilala ang Santa Fe Municipal Police Station ang suspek na si Ariel Talapian Magbanua, 56, may-asawa, magsasaka, na matapos beripikahin ang records sa e-Warrant System ay napag-alaman na mayroon itong Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ralph Arellano ng Metroplotan Trial Court Branch 79, Las Piṅas City na may petsa na Marso 12, 2015 dahil sa kasong Falsification of Private Documents sa ilalim ng Criminal Case Number 69383 at may rekomendang piyansa na halagang Twelve Thousand Pesos (P12,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay nauna nang inaresto nitong Pebrero 18, 2021 ng pinagsanib na operatiba ng PIU/PDEU Romblon PPO at Santa Fe MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan ni Honorable Judge Mariazar Zabat Tuazon, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court, RTC, Branch 23, Manila noong Oktubre 7, 2013 dahil sa kasong 3 counts of Estafa docketed under Criminal Case No. 473710-712-cr at may rekomendang piyansa na halagang P 18,000.00.


Ang nasabing dinakip na lalaki ay nasa ilalim ng kustodiya ng Santa Fe MPS at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png