• Tony Miñano Macalisang

LALAKING MAY WOA DAHIL SA KASONG CHILD ABUSE SA ROMBLON, TIMBOG


ROMBLON, Romblon - Isang lalaking wanted sa batas ang inaresto ng kapulisan sa Barangay Sawang, Romblon, Romblon kaninang 4:10 ng hapon, Enero 14, 2021.


Nakilala ang hinuli na si Roberto Martinez Fornea, 54 taong gulang, may-asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon.


Si Fornea ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), Romblon PIU, RID PRO MIMAROPA at ng Romblon CIT sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Branch 19 Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon nitong Enero 13, 2021 dahil sa kasong four (4) Counts of Child Abuse sa ilalim ng Criminal Case No. FC-98-A-21, FC-99-A-21, FC-100-A-21 at FC-101-A-21 at may rekomendang piyansa na halagang eighty thousand pesos (P80,000.00) bawat kaso.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon MPS at ihaharap sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.