• Tony Miñano Macalisang

Lalaking may WOR sa Odiongan, Romblon dinakip ng kapulisan


ODIONGAN, Romblon – Isang pahinante ng trucking na may warrant of arrest ang hinuli ng mga alagad ng Batas nitong 7:00 ng gabi ng Enero 21, 2021 sa Sitio Maligaya, Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon.


Kinilala ni Police Captain Manuel Fernandez, Jr., Hepe ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang wanted na si Rolly Fallaria Rabino, 52 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.


Si Rabino ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Odiongan MPS at Romblon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon dahil sa kasong Serious Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3045 at may kaukulang piyansa na halagang P72,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Bago hulihin, ay ipinaalam sa suspek ang kanyang nagawang kasalanan at binasahan ng kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas ng mga humuling awtoridad.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS ang nasabing wanted at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png