• Romblon Sun

Lalaking naglalakad sa tabi ng kalsada sa Odiongan nasagi ng motorsiklo, naospital


ODIONGAN, Romblon – Isang lalaki ang naglalakad sa tabi ng kalsada ang aksidenteng nahagip ng isang motorsiklo nitong nakalipas na Huwebes sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.


Kinilala ang biktima na si Jomel Faderanga Reyes, 31, binata, driver, habang ang suspek na nakahagip ay nakilalang si Bryle Francisco Florendo, 18, binata, estudyante, walang driver license at parehong residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon.


Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) binabaybay umano ni Florendo (na umano’y nakainom ng alak) ang kahabaan ng national road sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon sakay ng kulay puti na motorsiklong Honda RS 150 na walang nakakabit na plaka at pagmamay-ari ni Jerome Francisco, papunta sa direksyon ng bayan ng San Andres at pagdating sa kurbadang bahagi malapit sa bahay ng pamilya Fabic, ay nawalan umano ng control si Florendo sa sinasakyang motorsiklo, at nasagi ang naglalakad na biktima sa tabi ng kalsada.


Dahil sa pangyayari ay kapwa tumilapon ang drayber at ang biktima sa kongkretong kalsada na nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan.


Agad na dinala ang drayber ng motorsiklo sa Isiah Hospital habang diretso naman sa Romblon Provincial Hospital ang biktima para sa kaukulang lunas.


Samantala, dinala naman ng mga awtoridad sa Odiongan MPS ang motorsiklo na sangkot sa naturang aksidente para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png